Wednesday, February 13, 2013

Maligayang Puso Po!

[Background music: On My Own]

Valentine's Day na naman. Hearts dito, flowers doon. Maraming masayang tao, pero marami din ang medyo di natutuwa sa mga ganitong panahon.

Oo nga naman. Sino ba naman ang sasaya kung ang mga mahal mo sa buhay ay masayang nagseCelebrate ng araw na ito kasama ang mga partners nila sa buhay, tapos ikaw, nganga?! Pero yun yung point eh. May mga MAHAL KA SA BUHAY, kaya walang rason para mag emote ka ng kung anu-ano dahil lang single ka.

Valentine's Day po. Hindi po Araw ng mga TAKEN. Kasi kung ganon, dapat TAKEN'S DAY, diba? [medyo korni]. Haha. May nabasa nga akong Facebook post... Ansabe.. "kung single ka, wag kang malungkot. Isipin mo na lang yung mga walang nanay noong Mothers' Day" Tama nga naman. May mas mga mabibigat na problema pa ang lipunan [pati ikaw] na mas dapat pagtuonan ng pansin.

Para sa mga SINGLE, hindi pa katapusan ng mundo. Pwede mo pa rin naman iCelebrate ang araw na to sa ibat-ibang paraan. Huwag ka lang mag las-las. 

Para sa mga TAKEN, mga kaibigan, ARAW NG MGA PUSO. Hindi ng mga BUTO. -Just a friendly reminder.

Ang araw na ito ay para sa mga nagmamahal. Mahal ko ang mga kaibiga't pamilya ko, kaya magseCelebrate ako ngayon.

Magandang umaga :)

2 comments: