Wednesday, October 26, 2011

Kulungan At Kadena

Ang kadena ni Juan ay nakakapit
Hindi sa leeg ngunit sa tenga namimilipit
Hindi sa paa kong aray na aray na sa sakit
Ngunit sa tengang nalalasahan na ang pait.

Maririnig mo ang 'hello' ng ale
Si ale na tila nasa palengke
Si manong nama'y minsa'y napakabingi
Ang kawawang monitor pa ang nasisi

Minsa'y nasasaktan na ang iyong pantog
Dahil ang kadena mo nama'y tumutugtog
Pilit pinipigilan ang ihing pasabog
Dahil si ale nanama'y nang-aalog

Pinapatay ka pa sa oras ng kadena
Kakakapit pa lang, uwian na ang tinitira
Di pa nga nakaka-order si kuya
Anjan na si Juan, nasa utak ay ang pag alis na

Mahirap ang buhay sa loob ng kulungan
Di ka masyadong nakakapag kwentuhan
Sabi ng iba, parang pinapatay ng dahan-dahan
Sabi ko hindi masyado, konti lang naman

Minsan naisip ko na kumawala sa kadena
Di ko na kaya ang aking ginagawa
Ngunit sayang naman ang pera
Na nakukuha ko at gamit pang gala

Para sa iba, ito ay kabuhayan
Binubuhay ang pamilya sa ganitong paraan
Kaya di mo masisisi kung sa kanilang kalagayan
Nakakaya nila upang malagyan ang tyan

Ngayon, pano mo masasabi na walang kwenta
Ang trabaho ni Juan at ng kanyang mga kasama
Kaya mo bang matulog buong umaga
At sa gabi'y bukang-buka ang mga mata?

Hindi naman talaga madali ang buhay
Huwag ka lang magiging matamlay
Sa pagpapatuloy ng iyong paglalakbay
Sa loob o kahit sa labas ng bahay

May kadena ka rin, gaya ni Juan
Meron ka rin ngang sariling kulungan
Kayanin mo iyan kaibigan
Kitakits tayo sa iisang finish-line





Monday, October 10, 2011

I miss her

I fell in love for the first time.

It was a sunny day when I met this person in her school uniform. She passed by. I followed. And I realized that we were in the same room. She was my classmate. We became friends. And...

I fell in love for the second time.

Days have passed and the relationship we had became even deeper. I never had an odd feeling when I was with her. We ate lunch together. We exchange ideas through SMS. We laugh and sing together. She was my closest friend. One day, I woke up thinking about her. And...

I fell in love for the third time.

She never knew that she made me happy every time we were together. She never knew that she was more than a bestfriend. She never knew that I love her.

One day, I came rushing to our room to tell her something about my dream. A not-so-interesting dream. But I was still excited to let her know about that just to have something to talk about. Then I found out that she's gone. She will never be back.

My bestfriend who has been suffering from cancer was not able to survive. My love. My refuge. My comfort. She has gone. And everything for me has gone.

It has been years now since she left. But our memories will stay. She has taught me what love really means. It was painful since I was not able to tell her my deepest feelings to her.

But the memories will last... Untill I fall in love for the last time :'(


[fyi: not a true story]


Thursday, August 25, 2011

Ano ngayon?

Hinding-hindi ko kilala kung sino yan si James Soriano. Trending sya ngayon sa twitter dahil sa kanyang artikulo na pinamagatang: Language, learning, identity, privilege. Hindi ko lang lubos maisip kung ano ang mali sa isinulat nya'ng sa aking opinyon ay talagang totoo at riyalistik!

ANO NGAYON?

Ano ngayon kung ganun ang pananaw nya sa buhay? Kasalanan ba nya kung ganun sya pinalaki? Grabe din naman maka react ang iba kase.. parang akala mo'y kilalang-kilala nila si manong Soriano.

ANO NGAYON?

Ano ngayon kung sa tingin nya ang Filipino ay salita sa kalye? Bakit? Di ba totoo? Kung nagkakaroon nga ng pagpupulong-pulong ang mga kongresista, Ingles diba ang ginagamit? Kahit alam nilang lahat sila ay nakakaintindi ng Filipino, ba't Ingless ang ginagamit nila? Si PNoy, nung SONA nya kamakailan, Filipino ang ginamit na wika.. eh, bat parang kinukwestyon ng iilan?

ang sa akin lang: lahat tayo ay may kanya-kanyang preference. Gaya ng mga TV stations, mas gusto ko manood ng ABS kesa sa GMA.. may iilan naman na kabaliktaran sa gusto ko ang pinapanood. May iba, gusto maglakad.. may iba, gusto sumakay. May iba, gusto magluto, may iba gusto kumain sa labas. May iba, gusto sumayaw, may iba gusto kumanta. RESPETO naman sa opinyon ng iba at sa gusto nila. Wag masyadong mag over-react sa mga bagay-bagay.

HAPPY BUWAN NG WIKA :D